Thursday, December 30, 2010

Walang Jo Smart bro

This tuesday(December 28 2010)buong araw akong walang connection ang smart bro. Kaurat, kasi trabaho ko required ang internet. 2 months including this month di ko pa nababayaran. Pero di naman daw yun ang dahilan nung tumawag ako sa customer service. Papupuntahin daw nila yung mga technician(contractors) nila

Pero sandali lang pagkatapos kong tumawag, meron na akong internet, ewan ko kung baket. Nung dumating yung mga contractors nila kinabukasan, sabi ko ok na, padisco-disconnect lang minsan, pero sabi nila iche-check narin nila

Habang kung ano ano ang pini-ping nila sa cmd, at may IP address din silang brinobrowse, panget daw ang nasasagap kong signal, tira tira lang daw. Umakyat sila sa bubong namin then nagpi-ping sa cmd yung isa sa laptop ko.

Maya maya nagso-solitaire na yung nasa laptop ko, ok lang naman pero nung katagalan at sinabi niya saken na di na ako magkakainternet at kelangan kong magdagdag ng tubo(pipe) para tumaas ang antenna ko

Quoted = smart bro contractor
Not quoted = Me

"Sir wala na kayong connection"
Anong wala? di na ako magkakaroon?
"Opo sir kelangan po magdagdag ng tubo"
Di ba may bayad yun? magkano yun?
"papadaanin po sa office 700 yun"
"panget po yung signal nyo eh"
Di bale nang panget mapagtyatyagaan yun eh kesa wala
On my head:

"papadaanin po sa office 700 yun"
paiba iba ang presyo, WOW 1000 yan dati nung nagpakabit ako promo ba yan? at anong papadanin sa office, pag sa inyo iba na presyo? :))

At ng marinig ko yun parang sasabog ako, pumunta sila dito para lang sirain ang connection ko? To force me to buy there pipe? eh kung sila kaya pukpukin ko ng tubo o di kaya arnis cane? katabi lang ng laptop ko yung arnis haha. Lumabas na lang ako at said to myself to keep calm.

Nung umalis sila binalik ko yung antenna ko sa normal niyang angle. Then I tried to connect again. Tapos di na naayos. Tumawag uli ako sa customer service. Tapos kinuwento ko lahat maliban dun sa paglalaro ng solitaire sa pc ng customer nila, tutal di naman masasaktan ang processor ko sa solitaire eh haha, nakakaawa naman yung mga salesman ng tubo

Habang natawag ako nagkaroon uli ng connection, sabi ko sa smart bro CSR, kung pwede wag na lang papuntahin yung mga contractors, baka nga naman ulitin lang nila yung kalokohan nila.Habang tinatype ko to paputol putol parin ang internet

Hehe kung di sana ako nagkaroon ng connection ngayon balak ko eh paputol na lang yung connection ko then maghirap yang smart bro na yan sa pagsingil ng kulang kulang 2k na bill ko for last month and this month. Hahahaha.

Labels:

Saturday, October 3, 2009

Semi-Hold-up'ers

Tama, semi hold up'ers mga holdaper na hindi naman talaga holdapers. Eto ang istorya

Naglalaro ako sa isang cafe nang madaling araw, di ko akalain na delikado rin pala talaga ang cafes. Isang grupo ng mga frat or gangster ang pumasok sa cafe, naghahanap ng mapagtritripan. Nung una mga bading ang pinagtritripan nila, pero mamaya maya nadamay na ako. Tumayo sa harap ko yung topless na lalake at nagtanong saakin, tinanggal ko ang headset ko para marinig ko

Laking gulat ko ng marining ko ang tinatanong niya. "Trip mo ba ako". Agad akong na bad trip at sinuot uli ang headset. Halos handa na akong makipagrambolan dahil alam kong hindi ako titigilan ng lokong yun hanggang sa magpakababa ako. Na hindi ko gagawin sa pagkakaalam ko. Malaking problema ko yun, hindi ako madaling magbaba ng pride lalo na kung wala akong ginagawang masama.

Pinatigil siya ng isa sa mga kasama niya, na kaklase at malapit kong kaibigan nung high school. Grabe, bakit nila kinokonsente ang kalokohan ng kasama nila. Maya maya ay yung bading naman sa likod ang pinagtripan nya, at mukhang sinuntok niya pa. Halos gusto ko na ring magalit sa kawalang dahilan ng trip nila, pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Isang babae na nagrerent ang sinigawan ang topless na lalake. Binara siya ng mga kasama nito, pero siya mismo sinabing "wag yan babae yan eh". Aba gentleman parin ata ang loko. Bakit naman kasi pinababayaan ng mga bantay ng cafe ang mga nangyayari.

Kahit bading yung mga pinagtritripan nila, tao parin naman yun.Paulit ulit silang nagpabalikbalik sa cafe. Maya maya nakita ko nang hawak niya ang isang kutsilyo. Sa loob ng cafe at lantad na lantad. WTF. Bakit ba pinababayaan nila to. Maya maya nanghihingi na sila ng pera sa mga tao. Kuwento ng kuwento ang lalaking topless na lasing. Tungkol sa kalaban nilang frat na binugbug siya ng walang dahilan

Hiningian niya rin ako ng pera habang may hawak na kutsilyo(pero hindi nakatutok sa akin), sampung piso o limang piso daw, pero tumanggi ako, nagulat ako ng biglang iba na ang tono niya, parang biglang naging mahinahon. Umapir siya sakin at sinabing "Pasensiya na ha, pareho lang naman tayong mahirap eh". Pagkatapos nilang lumabas hindi na sila bumalik. Hindi ko siya binigyan kahit may pera ako, kasi pakiramdam ko pangiinom lang nila yun.

Yun nga, lahat talaga tayo tao parin. Talagang may dahilan ang lahat ng kabaluktutan. Kaya sila nakakagawa ng ganun ay dahil sa sama ng loob sa ibang tao, at sa iba pang problema. Marami talagang puwedeng tumulak sa tao para gumawa ng masama. Pero kahit kailan hindi maaring maging tama ang mali. Dapat laging matatag ang tao para manatiling gumagawa ng tama sa gitna ng lahat ng problemang nakababaliw

Labels: ,

Monday, January 19, 2009

Alam ng TUP guards kung sayo ang reg form

In contrast with the Artisan article release June-Nov(but I just read today), naniniwala ako na kayang malaman ng isang TUP guard with a great integrity kung sayo ang hawak mong reg form.

Madali nilang malalaman ito sa isang matalinong paraan: tatanong sayo ang mga bagay sa reg form mo na kung sayo lang yun mo pwedeng masagot. Tulad ng middle name(ito ang tinanong sakin ng guard nung nanghiram ako once in my life)

Natawa na lang ako nung tinanong sakin ang middle name ko, haha, ang utak nito ah. Hindi lang ako natawa dahil sa sarili ko, natawa din ako dahil minamiliit ko sila noon at akala ko ay hindi sila gumagawa ng ganun ka-smart na mg protocols

Labels: , ,