Saturday, October 3, 2009

Semi-Hold-up'ers

Tama, semi hold up'ers mga holdaper na hindi naman talaga holdapers. Eto ang istorya

Naglalaro ako sa isang cafe nang madaling araw, di ko akalain na delikado rin pala talaga ang cafes. Isang grupo ng mga frat or gangster ang pumasok sa cafe, naghahanap ng mapagtritripan. Nung una mga bading ang pinagtritripan nila, pero mamaya maya nadamay na ako. Tumayo sa harap ko yung topless na lalake at nagtanong saakin, tinanggal ko ang headset ko para marinig ko

Laking gulat ko ng marining ko ang tinatanong niya. "Trip mo ba ako". Agad akong na bad trip at sinuot uli ang headset. Halos handa na akong makipagrambolan dahil alam kong hindi ako titigilan ng lokong yun hanggang sa magpakababa ako. Na hindi ko gagawin sa pagkakaalam ko. Malaking problema ko yun, hindi ako madaling magbaba ng pride lalo na kung wala akong ginagawang masama.

Pinatigil siya ng isa sa mga kasama niya, na kaklase at malapit kong kaibigan nung high school. Grabe, bakit nila kinokonsente ang kalokohan ng kasama nila. Maya maya ay yung bading naman sa likod ang pinagtripan nya, at mukhang sinuntok niya pa. Halos gusto ko na ring magalit sa kawalang dahilan ng trip nila, pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Isang babae na nagrerent ang sinigawan ang topless na lalake. Binara siya ng mga kasama nito, pero siya mismo sinabing "wag yan babae yan eh". Aba gentleman parin ata ang loko. Bakit naman kasi pinababayaan ng mga bantay ng cafe ang mga nangyayari.

Kahit bading yung mga pinagtritripan nila, tao parin naman yun.Paulit ulit silang nagpabalikbalik sa cafe. Maya maya nakita ko nang hawak niya ang isang kutsilyo. Sa loob ng cafe at lantad na lantad. WTF. Bakit ba pinababayaan nila to. Maya maya nanghihingi na sila ng pera sa mga tao. Kuwento ng kuwento ang lalaking topless na lasing. Tungkol sa kalaban nilang frat na binugbug siya ng walang dahilan

Hiningian niya rin ako ng pera habang may hawak na kutsilyo(pero hindi nakatutok sa akin), sampung piso o limang piso daw, pero tumanggi ako, nagulat ako ng biglang iba na ang tono niya, parang biglang naging mahinahon. Umapir siya sakin at sinabing "Pasensiya na ha, pareho lang naman tayong mahirap eh". Pagkatapos nilang lumabas hindi na sila bumalik. Hindi ko siya binigyan kahit may pera ako, kasi pakiramdam ko pangiinom lang nila yun.

Yun nga, lahat talaga tayo tao parin. Talagang may dahilan ang lahat ng kabaluktutan. Kaya sila nakakagawa ng ganun ay dahil sa sama ng loob sa ibang tao, at sa iba pang problema. Marami talagang puwedeng tumulak sa tao para gumawa ng masama. Pero kahit kailan hindi maaring maging tama ang mali. Dapat laging matatag ang tao para manatiling gumagawa ng tama sa gitna ng lahat ng problemang nakababaliw

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home