Walang Jo Smart bro
This tuesday(December 28 2010)buong araw akong walang connection ang smart bro. Kaurat, kasi trabaho ko required ang internet. 2 months including this month di ko pa nababayaran. Pero di naman daw yun ang dahilan nung tumawag ako sa customer service. Papupuntahin daw nila yung mga technician(contractors) nila
Pero sandali lang pagkatapos kong tumawag, meron na akong internet, ewan ko kung baket. Nung dumating yung mga contractors nila kinabukasan, sabi ko ok na, padisco-disconnect lang minsan, pero sabi nila iche-check narin nila
Habang kung ano ano ang pini-ping nila sa cmd, at may IP address din silang brinobrowse, panget daw ang nasasagap kong signal, tira tira lang daw. Umakyat sila sa bubong namin then nagpi-ping sa cmd yung isa sa laptop ko.
Maya maya nagso-solitaire na yung nasa laptop ko, ok lang naman pero nung katagalan at sinabi niya saken na di na ako magkakainternet at kelangan kong magdagdag ng tubo(pipe) para tumaas ang antenna ko
Quoted = smart bro contractor Not quoted = Me "Sir wala na kayong connection" Anong wala? di na ako magkakaroon? "Opo sir kelangan po magdagdag ng tubo" Di ba may bayad yun? magkano yun? "papadaanin po sa office 700 yun" "panget po yung signal nyo eh" Di bale nang panget mapagtyatyagaan yun eh kesa walaOn my head:
"papadaanin po sa office 700 yun"
paiba iba ang presyo, WOW 1000 yan dati nung nagpakabit ako promo ba yan?
at anong papadanin sa office, pag sa inyo iba na presyo? :))
At ng marinig ko yun parang sasabog ako, pumunta sila dito para lang sirain ang connection ko? To force me to buy there pipe? eh kung sila kaya pukpukin ko ng tubo o di kaya arnis cane? katabi lang ng laptop ko yung arnis haha. Lumabas na lang ako at said to myself to keep calm.
Nung umalis sila binalik ko yung antenna ko sa normal niyang angle. Then I tried to connect again. Tapos di na naayos. Tumawag uli ako sa customer service. Tapos kinuwento ko lahat maliban dun sa paglalaro ng solitaire sa pc ng customer nila, tutal di naman masasaktan ang processor ko sa solitaire eh haha, nakakaawa naman yung mga salesman ng tubo
Habang natawag ako nagkaroon uli ng connection, sabi ko sa smart bro CSR, kung pwede wag na lang papuntahin yung mga contractors, baka nga naman ulitin lang nila yung kalokohan nila.Habang tinatype ko to paputol putol parin ang internet
Hehe kung di sana ako nagkaroon ng connection ngayon balak ko eh paputol na lang yung connection ko then maghirap yang smart bro na yan sa pagsingil ng kulang kulang 2k na bill ko for last month and this month. Hahahaha.
Labels: tagalog
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home